November 2011
This is really sweet :”> Thank you :)


Gusto ko mag blog ng Tagalog. Gusto ko sabihin lahat ng nararamdaman ko kasi nakakapuno na talaga. Haha. Ay nga pala, wala pa akong tulog niyan kaya ganyan muka ko. Haha ayos lang.
Ang sarap kapag nakasmile sa picture, no? Wala lang, parang feeling mo okay lahat pero hindi naman pala. May mga bagay kasing mas maganda kung hindi nalang sinasabi. Kaysa naman sa sinasabi mo nga pero wala namang paki yung taong gusto mo magkaron ng paki sayo. HAHA.
Nakakasawa lang yung feeling ng nagkakagusto at nagmamahal. Parang kung kelan seryoso ka at handang gawin yung lahat para sakanya, wala.. Iniiwan ka. Nawawala. At ang nakakainis sa lahat e kapag napaka inconsistent lang niya. Gusto kong maniwala na meron pang mga tao na para sakin talaga pero minsan nakakawala ng pag asa. Gusto ko maging masaya kahit ganito. Namimiss ko na yung totoong ako. Ge todo emo na pala ako e? Haha. Di, pero seryoso napapagod na ako.
Napapagod na ako sa lahat ng mga bagay na nangyayari sa buhay ko. Hindi ko alam bakit ganito e. Parang ginawa ko naman pero kulang parin. Hihi. Minsan maiisip mo nalang na bumitaw nalang kahit alam mong yun naman talaga yung inaantay mo. Ang hirap din kasi maghintay sa isang bagay na hindi mo alam kung darating o hindi. wala kang kasiguraduhan.
Oo, andun na tayo sa parte na mahal mo siya, na gagawin mo lahat para sakanya. Pero ang tanong, siya ba ganun din nararamdaman niya? Baka mamaya nagpapakatanga ka nalang pala diba. Ewan ko ba, kapag tinamaan ka nga naman ng tinatawag nila love, wala ka ng kawalan.
Basta ewan ko, sobrang labo ko ng tao. Hindi ko na nga rin alam silbi ko e. Hahaha. Minsan natutuwa ako na sa mga nangyayari, pero madalas nalulungkot nalang ako. Ang hirap kapag hindi mo alam anong stand mo sa isang tao. Nakaka asdfghjkl lang e. Parang oge, ano ba. Ano ba ako sayo?
Hay peste. Ayoko na nga ang daldal ko. Hahaha pasesnya na. Kagaya nga ng sinabi ko, ngayon lang ‘to :)
113011